Mga makakapal na usok |
Pagkatunaw ng mga yelo |
Pilipinas Nanganganib sa Patuloy na Pag-init ng Mundo
Walang humpay na bagyo |
Malawakang pagbaha |
Pagkamatay ng hayop |
Tagtuyot |
Greenhouse gases |
Ang ating mundo ay nasa panahong nahaharap sa maraming
suliraning pangkalikasan. Bukambibig ngayon ang mga salitang "climate change"
at "global warming" na ang ibig sabihin ay ang kakaiba at negatibong pagbabago
ng klima, at ang pagtaas ng temperatura nitong mundong ating ginagalawan.
Ang pag-init ng mundo ay dulot ng malaking bahagi
ng paggamit ng mga fossil fuel para mapatakbo ang mga makina at iba pang kagamitan.
Pangunahin sa mga fossil fuel ang langis (petrolyo), karbon (coal), gas at kahoy.
Lumilikha at nagbubuga sa atmospera ng mga greenhouse gas, katulad ng carbon dioxide.
Ang mga ito ay tinatawag na greenhouse gas dahil katulad ng nangyayari sa greenhouse,
ikinukulong ng mga ito ang labis na init na nagmumula sa araw. Ang pagkapal nito
ay dahilan para uminit ang mundo.
Sa kabila ng masaklap na pangyayaring ito, nagkakaroon
ng epekto ito sa mga taong naninirahan dito sa mundong ito at lalong lalo na sa
iba't ibang parte ng daigdig. Ang masamang dulot ng pag-ibig ng mundo ay nagsimula
nang maranasan sa iba't-ibang rehiyon. Pangunahin sa mga epektong ito ang mas malalakas
na hagupit ng bagyo sa rehiyon, malawakang pagbaha sanhi ng walang humpay na pag-ulan
sa ilan pang rehiyon, mas matitindi at mas matatagal na tagtuyot sa iba namang bansa,
pagkamatay ng iba't-ibang uri ng hayop at halaman at marami pang iba.
Umiinit ang mundo. At patuloy itong iinit sa mga
susunod na dekada sanhi ng iba't-ibang gawain ng tao na nakasasama sa kapaligiran
at makaaapekto nang malaki sa tao. Ano pa nga ba ang hinihintay niyo? Ang patuloy
na pagkawasak at pagkawala ng mundong ibabaw na ito? Hindi, hindi dapat tayo pumayag.
Kaya naman hinihikayat ko kayo at iba pang sektor sa bansa na magpatupad ng mga
hakbang na kung hindi man makapipigil sa patuloy na pag-init ay makababawas sa masasamang
epekto nito. Halimbawa na lamang nito ang pagtatanim ng mga puno, pagpatay sa mga
kagamitang hindi ginagamit, pagrecycle ng mga bagay na maaari pang gamitin at iba
pa.
"Gising at bumangon na mga kababayan, magkaisa't
magtulungan upang krisis pangkapaligiran ay mapagtagumpayan", iyan ang aking
katagang maiiwan sa lahat ng mambabasa. Tayo na't solusyunan, aksyunan at kumilos
sa problemang pasan-pasan ng mundong ito. Sabagay, ang hindi pagkilos ngayon ay
maaaring mangahulugan ng pagsisisi bukas.
By:Christine Joy Mijares :) http://christinejoymijares@blogspot.com